ANG PAGSUNOD SA ESPIRITU AY PAG-IBIG KAY CRISTO
(Following the Spirit is Loving Christ) Juan 14:15-21 Ang mga talatang ito ay bahagi ng monologue ng Panginoong Jesus kung saan nakapaloob dito ang kanyang pagpapaalam sa mga alagad dahil siya ay malapit nang umalis sa mundo.
Dahil sa mga bagay na sinabi ni Jesus sa mga alagad, hindi nila maiwasang magkaroon ng takot at pag-aalala sa kanilang mga puso. Subalit kahit na Siya'y malapit nang umalis sa mundo, ipinangako ni Jesus na sila ay hindi maiiwang nag-iisa kailanman. 1. Tiniyak ni Jesus na hindi Niya sila pababayaan at ang Banal na Espiritu ang tutulong sa kanila. 2. Darating ang "Tagapagtanggol" o Banal na Espiritu na magpakailanma'y makakasama nila. v.16 3. Ang Espiritu ay nasa Kanyang mga alagad upang gumabay sa kanila para mas makilala Siya at sila'y susunod sa Kanya.vv. 17,18,21 Ganito rin ang tinitiyak sa atin ng ating Panginoong Jesus. Ang mga hamon sa mga alagad ay siya ring hamon sa atin 1. Sundin ang paggabay ng Banal na Espiritu. 2. Manatiling tapat sa pananampalataya at manatiling sumusunod sa mga utos ng Panginoon. 3. Kung iniibig natin si Jesus, susundin natin ang mga utos Niya na ating natutuhan at naunawaan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Tayong mga Cristiano ay hindi dapat mabahala dahil ang Banal na Espiritu ang gagabay sa atin. At hindi lamang yan, ang kapayapaan at pag-ibig ng Panginoon, sa pamamagitan ng Espiritu ay madarama natin kung tapat tayong susunod sa mga bagay na ipinatutupad ni Jesus sa atin. PURIHIN ANG PANGINOON!
No comments:
Post a Comment