March 12, 2017
ANG KAPAYAPAAN AT PAG-IBIG NG ATING PANGINOON (The Peace and Love of our Lord)
Juan 14:27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag na kayong matakot. I. Ang Kapayapaan ng Ating Panginoon. Juan 14:27
Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag na kayong matakot. Wala tayong dapat ikabahala kung tayo ay nakay- Cristo dahil ang Banal na Espiritu ang magdudulot sa atin ng kapayapaan. Ang kapayapaang ito ay hindi dumedepende sa paligid o situwasyon tulad ng iniaalok na kapayapaan ng sanlibutan. Ito ay makalangit na kapayapaan, ito ang kapayapaan ng ating Panginoon. II. Ang Pag-ibig ng Ating Panginoon Juan 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig na Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang pag-ibig ng Diyos ay nahayag sa pamamagitan ni Cristo. I Juan 4:9-10 1. Si Jesus ang pinanggagalingan ng ating kalakasan. Filipos 4:13
Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. 2. Si Jesus ang pinanggagalingan ng ating kaaliwan. Juan 14:16
Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman. 3. Si Jesus ang pinanggagalingan ng ating kapayapaan. Efeso 2:14
Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil ang mga Judio at mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin. III. Mayroon Tayong Kapayapaan Sapagkat ang Panginoon ay may Banal na Plano sa Bawat Isa sa Atin. 1. Ang kanyang Salita ang ating gabay Awit 37:23-24
Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad ay itong si Yahweh, kung nais maligtas; sa gawain niya, ang Diyos nagagalak. Kahit na mabuwal, siya ay babangon, pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong. 2. Kapag tinanggap natin ang plano ng Panginoon para sa ating buhay, mayroon tayong kapayapaan. 3. Sasaatin ang kapayapaan dahil tayo ay pinatawad. Tayong mga Cristiano ay hindi dapat mabahala dahil ang Banal na Espiritu ang gagabay sa atin. Ayon sa ating teksto, ang kapayapaan at pag-ibig ng Panginoon, sa pamamagitan ng Espiritu, ay madarama natin, kung tapat nating susundin ang mga bagay na pinatutupad niya sa atin.

No comments:
Post a Comment