1 Pedro 1:13-25
Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat, "Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal." I Pedro 1:15-16
Pinalakas ni Apostol Pedro ang mga mananampalataya sa pagsasabing sila ay mga hinirang ng Diyos (1:1-2), na sila ay may buhay na pag-asa sa parating na hinaharap (1:3-6), na ang bunga ng kanilang pananampalataya ay tinatanggap na nila (1:7-9), at ang anumang ipinahayag ng mga propeta tungkol sa Panginoong Jesus ay para sa kanilang mga sumasampalataya sa Panginoong Jesus (1:10-12).
Ang mananampalatayang nagpapahayag na siya ay “hinirang ng Diyos” ay nararapat na mamuhay na may kabanalan sa lahat kanyang ginagawa sapagkat ang Diyos na humirang sa kanya ay banal.
Bilang mga mananampalataya, tayo ay hinahamin para sa banal na pamumuhay.I. CRISTIANO: Hinahamon sa Banal na Pamumuhay.
Nalalaman ni Apostol Pedro na hindi madali para sa mga mananampalataya ang mamuhay ng banal sa gitna ng mga pagsubok na nararanasan. Dahil dito, ilan sa mga katangiang dapat mapasakanila ay dapat na mabigyang pansin bilang mga hinirang ng Diyos, bilang mga banal ng Diyos. Ilan sa mga katangiang ito ay makikita natin bago niya sabihin ang hamong magpakabanal at pagkatapos niyang ito ay sasabihin.1. Handang isipan sa dapat na gawin. (13)
Sa lumang salin- bigkisin ang inyong mga baywang ng inyong pag-iisip. - mahinahon at mapagpigil sa sarili
- nakahanda sa anumang sasabihin
- napipigil ang mga pananalita o gawang hindi nararapat
- ang pamumuhay na banal ay may nakahandang isipan.
2. Masunuring anak. (14) - mahirap noon maging ngayon ang mamuhay na may kabanalan. - dapat magkaroon ng katangian na maging masunurin. - banal na katangian ang maging masunurin3. Nalinis sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan. (22) - ang pagsunod sa katotohanan ay nagbubunga ng pagiging totoo at tapat na pag-ibig sa mga kapatid. - ang kabanalan ay hindi lamang paglayo sa mga gawaing masama kundi maging hindi pagsang-ayon dito.
4. Muling isinilang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. (23) - may forever ang salita ng Diyos - ang damo ay nalalanta, ang bulaklak ay kumukupas - ang Salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman - ang kabanalan ay forever dahil sa Salita ng Diyos. - ang kabanalan ay imposible kung walang pagsilang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.II. SI CRISTO: HUWARAN SA KABANALAN
Sa talatang 15-16, binigyang-diin ni Apostol Pedro na ang dahilan ng banal na pamumuhay ay ang Diyos. Ang Diyos na humirang ay banal kaya dapat mamuhay ng banal. Ang iniutos ay “magpakabanal” kaya dapat magpakabanal. Sa naunang pagtalakay, nakita natin ang ilang mga katangian ng taong namumuhay sa kabanalan. Ngayon, makikita natin ang kabanalan ng Panginoong Jesus na Siyang dahilan kung bakit tayo dapat magpakabanal. Tingnan ang tatlong katotohanan tungkol sa kabanalan ng Panginoong Jesu-Cristo.
Si Cristo ay banal sapagkat… 1. Si Cristo ay Korderong walang dungis at walang kapintasan. (19) - ibinigay ng Panginoon ang Kanyang bugtong na anak - si Jesus ay banal2. Si Cristo ay itinalaga ng Diyos bago pa nilikha ang daigdig. (20) - ang kabanalan ng Panginoong Jesus ay sa pasimula pa. - bago pa nilikha ang lahat ay naroon na ang Panginoong Jesus - Siya ay Diyos - Siya ay banal3. Si Cristo ang dahilan ng pagsampalataya ng mga tao Sa Diyos (21)! - naunawaan ng mga tao ang pag-ibig ng Diyos - nagkaroon ng pag-asa sa kapatawaran ng kasalanan dahil kay Cristo na napako sa krus - ang Cristong walang dungis - ang Cristong itinalaga ng Diyos - ang Cristong dahilan kung bakit tayo hinirang ng Diyos.
Ang mamuhay sa kabanalan ay napakalaking hamon sa bawat mananampalagayang Cristiano. Mahirap o imposible kung iisipin, lalo’t tayo ay nabubuhay sa mundong tila hindi na bumubuti kundi lalong sumasama. Subalit maliwanag ang utos ng talatang 15-16, “Magpakabanal kayo.” Naipakita sa pagtalakay ang ilang mga katangiang magpapakita ng kabanalan. Simulan natin ang paghakbang. Ang kabanalan sa buhay ng isang mananampalataya ay isang proseso. Hindi man ngayon ang ganap na kabanalan ng buhay natin, ang mahalaga, may pagsisikap na tayong ginagawa upang masunod ang utos na ito. Bantayan ang ating mga kilos. Pakinggan ang ating mga pananalita. Pakiramdaman ang tibok ng ating mga puso.
PURIHIN ANG PANGINOON.
Go Back to Website

No comments:
Post a Comment