1Pedro 2:21
Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkakatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan.
Ang Panginoong Jesus ay hindi lamang basta nagdemand sa mga mananampalataya na mamuhay ng banal. Siya ay nag-iwan ng halimbawa sa mga mananampalataya upang kanilang tularan. Siya mismo ay nagpakita ng pamumuhay ng kabanalan hindi lamang sa dahilang Siya ay Diyos kundi sa dahilang pinili Niyang ipamuhay ang kabanalan.
Ang isa sa mga palatandaan ng pamumuhay na banal ay ang kakayahan nating maging mapagtiis. Ang pagtitiis na ito ay inihalimbawa ng Panginoong Jesus.
I. Ang Pagtitiis ng mga Mananampalataya (t.18-20)
- may mga tao sa paligid natin na kailangang pagtiisan.
18- magpasakop at igalang ang amo, hindi lamang ang mga mababait pati malulupit. - kapuri-puri ang magtiis ng parusa kahit walang kasalanan.
19- nagtitiis ang marami dahil sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos. Ito ay kapuri-puri, dapat ipagpasalamat at kilalaning biyaya ng Diyos.
- pagpapalain ang nagtitiis dahil sa paggawa ng mabuti.
20- sinansala ni Pedro ang mga nagtitiis dahil sa masama. Pinalakas naman niya ang mga nagtitiis dahil sa paggawa ng mabuti. Sa panahong iyon, nagaganap ang kawalan ng katarungan.

II. Ang Pagtitiis ng Panginoong Jesu- Cristo (t. 21-24) - ang pagtitiis ng Panginoong Jesus ay para sa mga mananampalataya.
21- ang pagtitiis ng Panginoong Jesus ay huwaran sa lahat ng mga mananampalatayang dumaranas ng mga pagsubok.
- ang pagtitiis ng Panginoong Jesus ay pinatunayan ng hindi Niya paggawa ng kasalanan.
22- ang pagsubok at mga pahirap sa buhay ay maaaring magtulak sa mananampalatayang mahulog sa pagkakasala. Ang Panginoong Jesus ay hindi nagkasala sa kabila ng matinding hirap na dinanas.
- ang pagtitiis ng Panginoong Jesus ay pagpapaubaya ng hatol sa Diyos.
23- ininsulto, pinahirapan, subalit hindi nag-isip na maghiganti. Ipinaubaya Niya sa Ama ang hatol sa mga taong ayaw maniwala sa kanya.
- ang pagtitiis ng Panginoong Jesus ay hanggang sa kanyang kamatayan sa krus.
24- isinilang sa sabsaban, lumaki sa pamilya ng karpintero, naglingkod sa mga tao, tiniis ang kahirapan, hanggang sa daan ng paghihirap patungo sa krus, ang pagtitiis ay hanggang sa kamatayan sa krus.

Kabanalang tulad ni Cristo! Ito ang maging hangarin ng bawat isang mananampalataya. Ang kabanalang maaari nating magawa ay ang pagsisikap nating tularan ang Kanyang mga halimbawa kung paano Siyang nanatiling matuwid sa kabila ng mga paghihirap na Kanyang pinagdaanan patungo sa krus.
1. Tatagan at lakasan ang loob, may mga pagtitiis pa rin tayo. Habang tayo ay nabubuhay sa mundong ito, ang pakikibaka ay mananatili. Ang mga pagsubok ay patuloy na kakatok sa ating mga buhay. Huwag magulat kapag nansdyan na sila. Sa halip, maging handa at magpalakas. Nang sa gayon, dumating man ang pagsubok, magwawakas tayo sa buhay na nakatayo. Nabubuhay sa pananampalataya. Nagtitiis at patuloy na namumuhay sa kabanalan tulad ni Cristo.
2. Tingnan ang halimbawa ng Panginoong Jesus. Mahirap ang magdaan sa mga pagsubok lalo’t napakabigat nito para sa atin. Sa mga panahong pinanghihinaan na tayo ng loob, gusto na nating sumuko at naitutulak na tayo sa pagkakasala, balikan ang krus ng Panginoong Jesus. Pagbulay-bulayan ang ginawang pagtitiis ng Panginoong Jesus at doon ka humugot ng lakas upang magamit mo sa sitwasyong kinalalagyan.
3. Tayo ay may Pastol at Tagapangalaga ng ating kaluluwa (t. 25). Nagtitiis tayo sa maraming bagay. Bumabagsak at nanlulupaypay tayo. Nawawala tayo sa direksyon sa ating mga paglalakbay. Tila di na matiis ang pinagdaraanan. Lagi nating tatandaan, mayroon tayong Pastol na nagtiis na para sa atin. Mayroon taong Tagapangalaga na anumang pangangailangan natin ay tutugon at aalalay sa atin.
PURIHIN ANG PANGINOON
Go Back to Website
PURIHIN ANG PANGINOON
Go Back to Website
No comments:
Post a Comment