MOISES:
HUWARAN NG PAGIGING MAKABAYAN
(Moses: A Model of Patriotism) Gawa 7:23-34
Gawa 7:23
Nang si Moises ay apatnapung taon na, nagpasya siyang dalawin ang kanyang mga kababayang Israelita upang tingnan ang kanilang kalagayan.
HUWARAN NG PAGIGING MAKABAYAN
(Moses: A Model of Patriotism) Gawa 7:23-34
Gawa 7:23
Nang si Moises ay apatnapung taon na, nagpasya siyang dalawin ang kanyang mga kababayang Israelita upang tingnan ang kanilang kalagayan.
Sinikap ni Moises na tingnan ang kalagayan ng mga Israelita, at ipagtanggol sa Egipcio ang inaaping kababayan, subalit siya ay kanilang itinakwil. Sa huli, isinugo ng Diyos si Moises upang sila ay palayain mula sa pagkakaalipin sa Egipto patungong lupang pangako.
Sino si Moises?
- isang dakilang lider
- nakakausap ang Diyos
- namuhay ng 120 taon
- ipinakita ang kanyang pagiging makabayan.
Sa kasalukuyang panahon, sino ba ang tinitingnan natin na halimbawa ng pagiging makabayan?
- ang mga sumisigaw ba sa kalsada ng... MAKIBAKA! HUWAG MATAKOT
- ang mga politiko ba na nangangako sa mga botante na iaahon sila sa kahirapan?
- ang mga namundok ba na lumalaban sa mga sundalo ng pamahalaan?
- ang mga pulis o sundalo ba na nagbubuwis ng buhay para sa bayan?
- mga nasa media ba na tumutuligsa sa gobyerno?
PATRIOTISM- love that people feel for their country.
PATRIOT- a person who vigorously supports their country and is prepared to defend it against enemies or detractors.
Mga Palatandaan na Ipinakita ni Moises ng Pagiging Makabayan.
1. Mapagmalasakit ( self- sacrificing) Gawa 7:23-26.
- nagpasya siyang dalawin ang kanyang mga kababayan.
- ipinagtanggol niya ang kanyang kababayang inaapi.
- sinikap pagkasunduin ang dalawang Israelitang nag-aaway.
2. Masunurin sa Diyos (obedient to God) Gawa 7:30-34
-nagpakita kay Moises ang isang anghel sa isang nagliliyab na mababang punong-kahoy.
- isinugo ng Panginoon si Moises sa Egipto
3. Hindi Makasarili ( unselfish) Hebreo 11:24-26
- tumanggi si Moises, nang siya'y mayroon nang sapat na gulang, na tawagin siyang anak ng prinsesa na anak ng hari.
- inibig pa niyang makihati sa kaapihang dinaranas ng bayan ng Diyos.
- itinuring niyang higit na mahalaga ang pagtitiis sa hirap dahil sa Mesiyas.
Ang huwaran ng pagiging makabayan ay makikita kay Moises.
- ang pagmamalasakit sa bayan at kababayan.
- ang pagiging masunurin sa Diyos
- ang di pagiging makasarili.
Ang pagiging makabayan ay hindi tungkol sa pananaw na mas mataas ang sariling bansa kumpara sa iba, kundi ito ay isang pananaw na ang bawat bansa ay mahalaga sa Diyos, kaya ito ay dapat nating mahalin. Kay Obispo Nicolas Zamora, kung paanong ang ibang bansa gaya ng Amerika, ay pinagkalooban ng Diyos ng kakayahan, ang mga Filipino ay gayundin naman. Ang kawalan ng pagtatangi at pag-iral ng pagkakapantay-pantay ay mahalaga sa simulain ng mga nagtatag ng IEMELIF.
PURIHIN ANG PANGINOON!
Go Back to Website
No comments:
Post a Comment