Enero 8, 2017 - ANG PUNDASYON NG MAPALAD NA BANSA(Awit 33)
(Awit 33:12)Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos; mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
Ang Awit 33 ay isang kumpletong imno. Ginagamit ang imnong ito sa pagpupuri sa Diyos, at sa pagtuturo ng mga katangian ng Diyos na kanilang niluluwalhati. Bagamat ang Awit 33 ay hindi kabilang sa tinatawag na Torah- psalms o mga awit na nakasentro sa Kautusan ng Diyos, malinaw na mababasa rito ang emphasis sa Salita ng Diyos.
Ang pundasyon ng mapalad na bansa ay ang Diyos at ang Kanyang Salita.
I. Inilalarawan ng Psalmista ang Kaugnayan ng Diyos at ng Kanyang Salita sa Kanyang Gawa ng Paglikha. vv 4-9
A. Ang Kabutihan ng Diyos at ng Kanyang Salita.
1. Ang Salita ng Panginoon ay matuwid.
2. Ang mga gawa ng Panginoon ay batay sa katapatan.
3. Iniibig ng Panginoon ang katuwiran at kahatulan
4. Ang lupa ay puno ng Kanyang kagandahang- loob.
B. Ang Salita ng Diyos ay mapananaligan.
1. Nilikha ang lahat sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
2. Ang lahat ng tao ay dapat magkaroon ng pagkatakot sa Diyos.
a. Dahil ang Kanyang Salita ay nangyayari.
b. Dahil ang Kanyang utos ay mapanghahawakan.
II. Inilarawan ng Psalmista ang Soberenya at Presensiya ng Diyos sa mga Bansa, at Itinuon sa Mapalad na Bansa vv 10-15
A. Ang karunungan ng mga bansa ay walang saysay kung lihis sa Salita ng Panginoon.
B. Ang karunungan ng Panginoon ay mapanghahawakan magpakailanman.
C. Pinagpapala ng Diyos ang bansa na nananalig sa Kanya.
D. Ang presensiya ng Diyos ay nararanasan ng mga bansa, lalo na ng Kanyang mga hinirang.
1. Ang Diyos ay presente sa Kanyang nilikha.
2. Ang Diyos ang humubog sa puso ng tao.
Ang susi sa mapalad na pag-unlad ng bansa ay ang pananalig sa Diyos at sa Kanyang Salita. Kahit gaano kahusay ang mga polisiya o plano ng isang bansa, subalit kung ito naman ay walang lugar sa Diyos at sa Kanyang Salita, ito ay magiging pansamantala lamang dahil ang Diyos mismo ang sisira nito.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment